Maligayang Pasko ng Pagkabuhay!

Isang mapagpalang umaga sa lahat! Tayo ay magalak sapagkat nabuhay na nga muli ang ating pinakamamahal na Panginoong Hesukristo. Ito ang pinaka tugatog o pinakamataas na selebrasyon ng Simbahang Katolika sa bansa.

Ito ang araw na dapat nating binibigyang importansya at paglaanan ang Panginoong Hesukristo ng papuri at pasasalamat sa kaniyang kadakilaan. Ang Kanyang wagas na pagpapatawad at pagmamahal sa ating lahat.

Ipinagdiriwang natin ang pinakamasayang pasko ng pagkabuhay o Easter Sunday sapagkat tunay nga na buhay ang ating Panginoon Hesukristo matapos natin Siyang ipagkanulo sa kamatayan.

Gaya sa panahon ngayon, iba man ang ating mga pamantayan sa buhay at relihiyon. Tayong lahat ay nagkakaisa upang bigyang daan ang pinaka mahalagang araw ng ating Panginoong Hesus.

Hindi ba’t napakasarap isipin na sa kabila nang ating pagkakaiba-iba ay nagkakaisa ang lahat ng relihiyon sa bansa na mabigyang oras ang malaking pagdiriwang na ito ng mga kapatid nating Katoliko at kahit iba-iba ang ating prinsipyo’t pananaw sa buhay.

Sa ating pagbabalik-tanaw sa kadakilaan ni Hesuskristo, masarap ding balikan ang ating kinalakihang simbahan buhat ng tayo ay magkamalay sa mundong ito.

Nagawa mo ba’ng balikan ang Simbahan na iyong unang natanaw noong ikaw ay musmos pa lamang? Nagawa mo ba na mag visita iglesia sa panahon ng Semana Santa? Higit sa lahat, sumabay ka ba sa prosisyon kaninang madaling araw? Nasaksihan mo ba ang pagsalubong ni Mariang Birhen sa Kaniyang Anak na si Hesus?

Maisip nawa natin na ang pagninilay ay hindi lamang sa panahon ng kwaresma o Semana Santa. Bagkus ito ay dapat nating isinasabuhay at pinahahalagahan.

Hindi sapat ang pagsimba lamang o pakikipag kapwa tao sa loob ng Simbahan o Kapilya ng bawat relihiyon. Huwag na sana tayong magtalo-talo pa sa ating mga ipinaglalaban. Dahil wala naman dapat pagtalunan ang bawat isa sa atin. Sana matuto tayong irespeto ang bawat isa at maisip natin ang halaga ng bawat isa satin.

Ngayon ang panahon para magpasalamat at magkaisa sa mga huling habilin ng Panginoon Hesukristo. Patnubayan nawa tayo nang pagpapala at paggabay sa ating mga ginagawa. Mabatid nawa natin ang tunay na kahulugan ng muling pagkabuhay ni Hesukristo. Isang maligayang Pasko ng Pagkabuhay ng ating Amang manunubos. Happy Easter Sunday, kaMilenyo!

Kuha ni: JGE / RBM

Kuha mula sa Kristong Hari Parish – Paliparan 3 Site. Dasmariñas City, Cavite

Pista ng Santo Niño

Ang Santo Niño ay representasyon ng pagiging ganap na kristiyano sa pagkilala sa imahe ng banal na sanggol na si Hesukristo. Ito rin ang naging pangunahing Santo-patron ng lalawigan ng Cebu.

Sa kasaysayan nito, nagsimula ang lahat sa panahon ni Ferdinand Magellan ng sapitin ng hanay ng Espanyol ang pananakop ng tripulanteng Portuges ang Pilipinas at ialay sa atin ang imahe ng Sto. Niño na yari sa kahoy at inukit ng mahusay na artistanong Flemish na sumisimbulo ng pagbibinyag bilang kristiyano. Sa mga hiwagang ipinakita ng Sto. Niño, mababasa rin ang himala nito sa libreta na pinamagatang Milagros del Santo Niño at Sermone Misticas.

Mayroong labing limang Pista ng Sto. Niño sa iba’t ibang lugar sa ating bansa na idinaraos tuwing ikalawa at ikatlong linggo sa buwan ng Enero. Ang ilang pinakasikat dito ay ang Pista ng Ati-Atihan sa Aklan, Sinulog sa Cebu, Dinagyang at Binanog sa lalawigan ng Ilo-Ilo.

Kaya naman, hindi matatawaran ang ating debosyon sa mahal na Santo Niño o ang batang Hesus sa kaniyang kadakilaan at kaluwalhatian. /DM

Facebook.com/DiyaryoMilenyo

Photo credit: Rex B. Molines

Sulyap sa Paghahanda ng Taunang Traslacion

Sa pag-iikot ng DM kagabi bandang 7:30PM sa kahabaan ng Kalaw Maynila patungong Quirino Grandstand upang bisitahin ang lagay ng pinakaaabangang prosisyon ng Mahal na Poong Itim Hesus Nazareno ay aming namataan ang kalagayan ng mga deboto ng Nazareno.

Sa paglalakad ng inyong abang lingkod ay kapansin-pansin ang patuloy na pagdagsa ng mga deboto ng Nazareno sa nasabing lugar. Tila hindi mahulugang karayom ang kakapalan ng mga tao roon.

Sarado ang parke sa Luneta, makikita rin doon ang bawat pamilya na kanilang kasama ang bawat miyembro ng kanilang pamilya maging ang maliliit nilang mga anak. Doon na rin natulog sa kalsada ang karamihan para lamang masaksihan ang taunang prosisyon ng Nazareno.

Patuloy ang pagdagsa ng nga deboto ng Nazareno patungong Quirino Grandstand.

Halos hindi ka na makakadaan sa nasabing lugar, ang mga tao ay nakapila mula sa bungad ng Manila Ocean Park patungong entablado ng Quirino. Walang galawan sa pagkilos, mararamdam ang init din sa paligid at ang makapala na usok ng tambutso ng mga sasakyan sa kahabaan ng Roxas Boulevard.

Dito na rin magpapalipas ng magdamag ang mag-inang aking naabutan na nagtitinda ng mga bimpo at damit na may imahe ng Nazareno.

Bukod dito, may mangilan-ngilan ding mga kabataan ang nagbebenta ng mga bimpong puti na may mukha ng Itim na Nazareno, mga kapirasong pula at dilaw na tela na panali raw na ilalagay sa noo at maaring ipanghaplos sa lupid na dugtungan sa Poong Nazareno kapag ito’y maiparada na.

Dahil sa kakapalan ng mga tao sa paligid at may pangambahing nakaamba sa lahat ay hindi ko na rin nagawa pang makuhan ng litrato ang iba pang mga eksena sa Kalaw Maynila. Sapagkat ako rin ay natatakot na baka mabiktima ng mga masasamang-loob sa aking paligid bagay na ayaw ko ring mangyari sa akin.

Syempre, hindi maaiwasan na may mga masasaktan sa prosisyon kaya nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga posibilidad ng aksidente.

Para naman sa lahat ng mga deboto ng Nazareno pinaalalahanan ang lahat sa mga humahawak ng istandarte na huwag na po natin ipasok ang mga hawak nating banner habang nagpoprosisyon upang hindi mahirapan ang lahat at makagalaw ng maayos ang mga timonero sa gitna at makausad ng maayos ang andas.

Narito naman ang mga aktibidades sa parada ng Nazareno bukas;

Midnight – Fiesta Mass (Quirino Grandstand)

3:30AM – Start of hourly Masses (Quiapo Church)

4:00AM – Morning Prayer (Quirino Grandstand)

5:00AM -Start of Traslacion 2019 (Quirino Grandstand)

January 10 – 2:30AM (estimated) Arrival of the Black Nazarene (Quiapo Church).

Ang taunang selebrasyong ito ay hindi lamang kapistahan ng Mahal na Itim na Poong Hesus Nazareno bagkus inaalala natin ang paghatid ng Itim na Nazareno sa kanyang tahanan kung saan sya namamalagi buhat ng ito’y dinala sa ating bansa mula sa Mexico.

Nawa’y sa darating na kapistahan ng Nazareno ay ating pagtuunan ng pansin ang ating panalangin ng bukal at taos puso at mapalawig pa ang ating pakikiisa sa Simbahang Katoliko at ang debosyong mapaglingkuran ang mahal nating Hesukristo at ang pagtulong sa mga nangangailangan. Hindi lamang ang paghiling ng personal nating pangangailangan sa Panginoon bagkus ang kapayapaan ng bawat bansa, ng ating isipan at ang sarili nating bayan. /DM

Facebook.com/DiyaryoMilenyo

#Traslacion2019

Feast of the Epiphany: Ang Handog ng Tatlong Hari kay Hesus

Muling ipinaaalala sa lahat ng mga kristiyanong mananampalataya ang kabutihang loob at pagbabahagi ng mga natatanggap nating biyaya mula sa Maykapal.

Pinagdiriwang natin ang Feast of Epiphany o ang pagdating ng tatlong hari tuwing ika 6 ng Enero, hudyat rin ito ng pagtatapos ng 12 Araw na kapaskuhan mula Disyembre 25 hanggang Enero 6.

ANG TALANG GABAY NG TATLONG HARI

Sa kasaysayan ng Bibliya, nagmula ang tatlong hari sa malayong lugar at ginabayan ng isang anghel. Kanilang sinundan ang isang nagniningning o ang makislap na tala sa kalangitan na siyang gabay patungo sa sanggol na si Hesus na ipinanganak sa isang hamak na sabsaban sa Bethlehem. Nasaksihan nila ang pagsilang ng sanggol na siyang kinilalang tagapagligtas nang buong sangkatauhan.

ANG TATLONG HARI AT ANG KANILANG HANDOG
Kilala bilang Three Wise Men o Magi ang tatlong Hari na sina Gaspar, Melchor at Baltazar. Ang tinaguriang Three Kings ay may kani-kaniyang handog tulad ng ginto, insenso at mira. Kaya naman, para sa tatlong hari, isang biyaya ang makilala at makita ang sanggol na si Hesus na ating tapagligtas.

PAGHAHANDA SA PISTA NG ITIM NA NAZARENO

Bukod dito, pinaghahandaan din ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno o ang Nuestro Padre Nazareno sa Quiapo Maynila. Mababasa sa kasaysayan na ito’y dinala noong 1800 ng Ordenong Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa tanyag na Plaza Miranda. Marami na ring pinagdaanang giyera, sunog at lindol ang nasabing imahe ni Hesus mula sa ibang bansa hangang sa ito’y ating kupkupin. Sa pagdiriwang ng kapistahan ng itim na Nazareno sa darating na Enero 9, inaasahan ang pagdagsa ng lahat sa paglilibot ng replika ni Hesus sa ilang pangunahing lansangan sa Maynila.

ANG TUNAY NA DIWA NG PAGLALAKBAY SA BAGONG TAON

Kung ating bibigyang importansiya ang tunay na pakahulugan nito, masasalamin natin ang tunay na halaga ng kanilang paglalakbay na magpapalapit sa ating paniniwala at pakikiisa. Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang paglalakbay na tinatahak. Tulad ng tatlong haring naglakbay sa malayong lugar, ang paglalakbay ni Papa Francisco sa buong mundo at maging ang replika o imahe ng Itim na Nazareno ay naglakbay din upang tuparin ang ipinangako ng Diyos na ang lahat ay dapat magbuklod sa iisang diwa, paniniwala at panalangin. Magkakaiba man ang prinsipiyo at paniniwala, mangingibabaw pa rin ang paglalakbay nating lahat sa pag-akay sa mga nangangailangan.

Magkakaiba man ang prinsipiyo at paniniwala, mangingibabaw pa rin ang paglalakbay nating lahat sa pag-akay sa mga nangangailangan. Kaya naman, bilang tupa ng ating butihing pastol ay dapat nating sundin ang gabay ng Poong Maykapal. Maging tulad din natin ang tatlong haring mapaghandog na kahit malayo pa ang kanilang pinanggalingan ay sinikap pa rin nilang tuparin ang nakaatang nilang adhikain bilang tagapaghandog sa sanggol na si Hesus at ialay ang natatanging regalo ng buhay. /DM

Facebook.com/diyaryomilenyo

Photo credit: Google

Daig ng Maagap ang Masipag

361 days na lang 2020 na! Oopps!! ‘Wag magbilang ng araw para sa pagsalubong ng panibagong taon na naman. Mukhang nakakalimot ka kung ano nga ba ang dapat na mas pagtuunan mo ng pansin; ang sarili mo.

Sabi nga nila, “never count the days of your life, count the blessings that you have been received from God above and share it to everyone.” Hindi naman natin malalaman kung hanggang kailan ba tayo mananatili sa lupa.

Sa pagpasok ng Bagong Taon 2019, panigurado na ang karamihan sa atin ay tinatamad pa ring kumilos. Ika nga, may Christmas break Hangover pa. Ang iba sa atin ay nagnanais pa’ng iextend ang kanilang leave kahit ubos na ito. Kahit ako nakararanas din ng katamarang kumilos dahil may hangover pa ako sa nagdaang pasko at pagsalubong sa 2019. Hindi dahil sa alak kundi sa pag-aasikaso ng maihahain para sa media noche ng aming mag-anak. Sa totoo lang hindi ako nakaligo nung December 31 dahil baka mapasma ako mahirap na. Sabi nila kapag ‘di ka nakaligo bago maghiwalay ang taon that means buong taon kang mabaho. Wala naman iyong katotohanan.

Apat na araw matapos ang pagsalubong natin sa bagong taon ay may mga mangilan-ngilang ulat akong nababasa at napapanood sa Telebisyon na may mga eskwelahan pala na back to school na karamihan ay private school at may mga public school din naman sa ibang lugar ang nagsimulang magbalik eskwela. Meron pa nga akong napanood sa TV na nagselfie si Titser at ang kaniyang estudyante take note! Isa lang ang estudyante na pumasok sa klase ni Titser kaya naman si Titser ay maloka-loka sa hindi inaasahang pangyayaring iyon. Tila ang lahat ng kaniyang mga estudyante ay tinatamad pang pumasok. Kaya ayun si Titser at ang nag-iisang maagap at masipag na estudyante ay napa-nganga na lang sa kanilang picture.

In fairness, talaga namang nakakatamad ang unang linggo sa unang Taon kaya hindi natin masisisi ang bawat isa kung bakit tayo tinatamaan ng katamaran.

Kaya naman, narito ang ilang mga pamamaraan upang magbalik ang sigla at mabuhayan tayo ng dugo at maging physically active ulit tayo. Estudyante ka man, Empleyado, Boss, Negosyante, Propesyunal o ordinaryong mamamayan;

Una, iwasan ang mga Pagkaing mamantika tulad ng lechon, taba ng baboy, at mga process food. Ang mga pagkaing ito ay may mga negative sides na nakakapaglapot ng ating mga dugo kung kaya hindi ito inirerecommend ng mga eksperto sa kanilang mga pasyente dahil maraming sakit ang pwede nating makuha tulad ng hypertension o high blood, high glucose content at iba pa. Isama na rin ang mga pagkaing may mataas na uric acid content tulad ng tofu o tokwa, mga gulay na mabuto or beans na talaga namang nakakaapekto sa iyong gout o pananagit ng mga laman sa iyong paa o talampakan. Dahil kapag umatake ito panigurado hindi ka na naman makakakilos at tatamarin ka ng gawin ang mga bagay na iyong dapat matapos.

Pangalawa, mainam na umimom ng isang basong tubig (1 cup of warm water). Nakakatulong ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa umaga upang maalis ang mga toxic sa ating katawan. Ang pag-inom ng tubig sa ating paggising ay nakabubuti sa ating digestive system. Kaya ugaliin ang isang basong tubig bago magsimula ang araw mo.

Pangatlo, maglaan ng sapat na oras para mag-EXERCISE tuwing umaga. Ang pag-eehersisyo tuwing umaga ay nakatutulong upang palakasin ang ating mga pangangatawan. Pwede mo itong gawin ng 10 hanggang 20 minuto sa iyong bahay o kwarto. Ang simpleng pag-akyat at pagbaba sa hagdan ng inyong bahay (kung meron man) ay mainam para mapalakas ang iyong mga tuhod at muscle ng iyong binti. Kahit ang simpleng paglilinis ng iyong bahay ay maaring maikonsider na exercise rin.

Pang-apat, dahil sa nagdaang pagsalubong ng Bagong Taon at naging maulan ang ating panahon. Ngayong nagpakita na si haring araw mainam na magbilad tayo sa sikat ng araw tuwing umaga mula 8 hanggang 10am. Nakakapagpalakas ito ng ating baga at para na rin maambunan tayo ng vitamin D ni haring araw na nakabubuti sa ating mga balat o body skin. Para hindi naman tayo magmukhang white lady sa paningin ng lahat dahil ilang araw din tayong nagkulong sa loob ng ating kwarto.

Panglima, mag-isip ng mga bagay na pwede mong gawin upang hindi ka laging naka nganga. Gaya ng pagliligpit ng mga christmas decorations, mga bagay o mga trabaho na ‘di mo natapos gawin at marami pang iba.

Sa lahat ng ito, marapat lang na tayo ay bumangon sa ating paggising araw-araw upang harapin ang bagong simulain ng ating buhay. Sa taong 2019, kailangan nating kumilos at gumalaw para sa ating pamilya na ating sinusuportahan at maging sa ating sarili. Huwag pulos paghilata lang ang ating gawin. Lalo pa’t wala namang tayong ibang inaasahan kundi ang ating mga sarili. Huwag pulos katamaran ang pairalin bagkus mag-isip tayo ng mga paraan kung paano pa tayo mas uunlad. Gawin nating mas produktibo ang ating pamumuhay at maging positibo sa pagharap sa Taong 2019. May kasabihan nga, “early bird catches the worm.” Kaya pakatatandaan, talo ng maagap ang taong masipag. /DMP

Facebook.com/DiyaryoMilenyo

Photo credits: Google. / Kami.com.ph

Ang Tunay na Diwa ng Pasko

Ilang araw na lang at muli na namang sasapit ang pinakahihintay nating araw – ang Pasko. Panigurado na ang lahat sa atin ay naging abala sa kaliwat kanang Christmas party sa opisina, mga kaibigang matagal na nating hindi nakakasama at higit sa lahat ay ang pagsasalo-salo ng bawat pamilya tuwing sasapit ang Noche Buena.

Karamihan sa atin ay abala pa rin sa paghahanap ng mga regalo para sa mga inaanak. Bukod sa mga laruan, damit, at malulutong na pera ni ninong at ninang ay ating iniisip kung ano nga bang magandang regalo ang ating maaring ibigay na makapagpapasaya sa kanila?

Tunay nga na napakasarap sa pakiramdam ang makatanggap ng regalo ngayong Pasko ngunit, higit sa regalong materyal o pera ay mayroon tayong maaring ibahagi sa lahat.

Kung mayroon tayong nakagalitan sa buong taong ito masmasarap sigurong iregalo ay ang “Pagpapatawad“. Ito ay higit na kinalulugdan ng Diyos, sapagkat mas pinagpapala ang taong marunong magpatawad kaysa sa taong pulos galit ang laman ng puso at di marunong magpatawad.

Kung marunong tayong magpatawad sa ating nakagalitan ay dapat marunong tayong umunawa sa sitwasyong batid nating may pagkukulang ang isat isa. Ang “Pag-unawa” ay higit na kailangan nating lahat dahil kadugtong nito ay ang mahabang pasensya sa lahat ng sitwasyon.

Isa sa pinakamahirap gampanan sa pakikipagkapwa tao ay ang “Pagtitiwala“, kung tayo man ay nagawang lokohin at minsang hindi sila naging tapat sa atin marapat lang na sila ay ating bigyan ng second chance upang ituwid ang kanilang pagkakamali. Gaya ng kung paano tayo pinagkatiwalaan ni Hesukristo kahit na Siya ay ating tinalikuran, tinubos pa rin Niya ang ating mga kasalanan sa kabila ng ating kakulangan.

Ang pagbibigay ng regalo ay dapat Bukal sa Puso o may kasamang pagmamahal. May kasabihan nga na “you can give without loving but you cannot love without giving” – pagpapatunay lamang ito na kahit may materyal tayong naibibigay sa ating kapwa kung wala namang kalakip na pag-ibig sa ating mga regalo, wala rin itong saysay.

Ang pasko ay araw ng Pagbibigayan at Pagmamahalan, magalak tayo at magdiwang sa pasko ng pagsilang ni Hesukristong Banal na namuhay ng kalukod-lukod sa lupa. Marapat lamang na alalahanin natin ang araw ng isilang si Hesukristo ngayong kapaskuhan. Dahil Siya ang ‘sentro’ ng ating pagdiriwang ng pagbibigayan at pagmamahan. Ito ang araw na ating pinili upang magsilbing gabay sa ating buhay at magbalik-tanaw sa himala ng Pasko. Ito ang tunay na aginaldo na ating maaring ibahagi sa ating kapwa, pamilya, kaibigan, kamag-anak at sa mga kabataang milenyo.

Ang pagpapatawad, pag-unawa, pagtitiwala, pagbibigayan ng bukal sa Puso at may kalakip na pagmamahal ay siyang sumisimbulo sa tunay na masayang Pasko at masaganang bagong taon. Kaya naman, binabati ko kayo ng Maligayang Pasko at mapagpalang bagong taon! /rbm

#SiHesus ang #DiwaNgPasko #Pagpapatawad #Pagtitiwala #Pagunawa #Pagbibigayan #Pagmamahalan #rbmtabloidista #rextabloidista

Facebook.com/rextabloidista

Balik Tanaw sa Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo

“Pista ng Ina ng Laging Saklolo”
Ni Rex B. Molines

Ipinagdiriwang ang araw ng Kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo o ang Our Mother of Perpetual Help sa buong bansa tuwing ika 27 sa buwan ng Hunyo. Isa sa pinakatanyag at dinarayong Marian shrine ay ang dambana ng Ina ng Laging Saklolo o ang National Shrine of Our Mother of Perpetual Help na kilala rin bilang Redemptorist Church sa Baclaran Paranaque City.
Dito nakalagak ang replica o imahen ng Ina ng Laging Saklolo na nasa pangangalaga ng mga paring Redentrista. Tuwing Miyerkules, mahigit sa 150,000 deboto ng Ina ng Laging Saklolo ang nagtutungo sa Redemptorist Church sa Baclaran dahil ito ang araw na itinuturing nilang extraordinary day ng pananalangin sa ating Mahal na Birheng Maria. Pinaniniwalaan din ng mga deboto ng Ina ng Laging Saklolo na may hatid itong milagro o blessings sa kanila dahil sa matinding debosyon kay Birheng Maria.

Marami sa atin ang nagtutungo o pumupunta sa iba’t ibang mga Simbahan ng Birheng Maria tulad na lamang sa katedral ng Antipolo sa Rizal na dambana ng Mahal na Birhen ng Antipolo na mas kilalang Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay. Ang Our Lady of Manaoag sa Pangasinan. Sa Bicol region naman ay matatagpuan ang shrine ng Mahal na Birhen ng Penafrancia na talaga namang dinarayo ng mga mananampalatayang Katoliko dahil ito ay isa sa kanilang mga panata at debosyon sa Mahal na Birheng Maria.

Paano at kailan nga ba nagsimula ang debosyon ng mga mananampalataya sa Ina ng Laging Saklolo? Sa pagtatala, ang orihinal na imahen ng Ina ng Laging Saklolo ay nakadambana sa Church of Saint Alphonsus sa Roma na Mother church ng Congregation of the Most Holy Redeemer na mas kilala sa tawag na Redemptorist. Si San Alfonso Maria de Ligouri (isang Redemptoirist) ang nagtatag ng Congregation of the Most Holy Redeemer. Siya rin ang nagtatag ng Legion of Mary at may akda ng “The Glories of Mary”, ang natatanging spiritual inscription tungkol sa Mahal na Birhen. Taong 1906 unang dinala ang replica na imahen ng Ina ng Laging Saklolo ng mga Paring Redentorista. Sapagkat sa kanila ipinagkatiwala ni Pope Pius XI ang orihinal na imahen at ang pagpapalaganap ng debosyon. Makalipas ang ilang dekada ay dito na nagsimula ang tradisyon na pagnonobena ng mga Pilipino na iilan lamang ang nakikiisa sa pagnonobena noon. Samakatuwid, ginawa ang unang pagnonobena sa Redemptorist Church sa Ilo-Ilo City noong Mayo 1946 at sinundan naman ni Father Leo English, ng Lipa City. At ang unang nobena naman sa Baclaran Paranaque ay noong Hunyo 23, 1948. Dahil sa dumarami ang mga nananampalataya sa Birheng Maria ay pinalaki ng mga Paring Redentorista ang shrine ng Ina ng Laging Saklolo sa Baclaran. Taong 1958 ay opisyal ng iniatas ng mga Obispo sa Pilipinas na ang Redemptorist Church sa nasabing lugar ay magiging National Shrine ng Our Mother of Perpetual Help.

Bukod dito, naging saksi rin si Saint Pope John Paul II sa dakilang debosyon ng mga tao sa Ina ng Laging Saklolo nang magdaos siya ng Misa sa simbahan ng Baclaran noong siya ay Cardinal pa. Dahil dito, siya ay nagbalik sa Simbahan ng Baclaran noong 1981 sa beatification ni San Lorenzo Ruiz at hinimok ang mga taong nagtipon sa shrine na lalong pagtibayin ang kanilang pananampalataya sa Diyos at debosyon sa Banal na Birheng Maria.
Kung inyong mapapansin ang imahen ng ating Mahal na Ina ng Laging Saklolo ay kaniyang kalung-kalong ang batang si Hesus na halos kumaripas ng takbo at nasira ang kaniyang tsinelas dahil sa nagpakita sa batang Hesus ang dalawang anghel na nagbigay pahiwatig sa batang Hesus sa kaniyang sasapitin. Si Saint Michael Archangel ang anghel na nasa kaliwa hawak-hawak ang lance o pangsimbat na may ispongha (sponge) sa dulo na ipinantusok sa tagiliran ni Hesus at ang nasa kanan naman ay si Saint Gabriel Archangel na kaniyang hawak-hawak ang krus na sumisimbulo ng pagpapakahirap kay Hesus (crucifixion). At ang tatlong bituin sa noo ni Birheng Maria o ang Star of the sea na sumisimbulo ng kaniyang pagiging dakilang Ina ng Laging Saklolo sa anak Niyang si Hesus. Ito ay ilan lamang sa mga simbulo ng imahen ng Our Mother of Perpetual Help.

Sa katatapos lamang ng kapistahan ng Ina ng Laging Saklolo ay hinimok ng Simbahang Katoliko na mas paigtingin at pagtibayin pa ang pananampalataya ng mga deboto ng Mahal na Ina ng Laging Saklolo at huwag lamang sa tuwing kapistahan magtipon-tipon bagkus ay manalig at magdasal ng taimtim araw-araw para sa kaayusan at kapayapaan ng sambayanang mapagmahal sa pananampalataya sa Ina ng Laging Saklolo anuman ang nangyayaring usaping kinahaharap sa pagitan ng Gobiyerno at ng Simbahang Katoliko. Mangibabaw nawa ang pagiging maka-Diyos at makabayan. =TNRM

What a 27 year old should do in his life before aging past the Calendar?

At 27, have you ever asked yourself what kind of life you have today? Or are you already living the stable life you want? Or maybe, you’re in a stage of denial, not accepting the fact that 3 to 4 years from now your age will no longer be in the calendar, and you’re feeling the vein of maturity getting tighter.

For those who are not a fan of this age because of the uncertainty that lies ahead, you have to take the risks yourself and accept all the possible consequences and responsibilities that you have today.

As someone who just turned 27, I just want to share to you the few things that I’ve learned in my life that I hope can change yours.

SELF RELIANCE

Being 27, I don’t feel and can’t imagine that I am now in my 27 years of existence in this sophisticated world and enduring the battles of my life. But I don’t regret my life today. I only accept everything with anticipation and dedication to learn.

I have learned to rely on my own to get what I want in life, with the guidance and blessing of both my parents who have always stood by my side. I know they won’t be around forever because nothing in this world is permanent. Knowing that my loved ones will be gone someday, I told myself, I want to explore and do what I want in life at this point so I won’t have any regrets someday.

An older friend once told me, “Rex, you have to settle your life at your age now, you’re not too young anymore. You shouldn’t act like a 23 year old!” As a man already raising a family at the age of 32, his regrets are piling up, with lack of money, a decent home, a good job, and means to support his children, all because he failed to act earlier. I understand him and I should learn from his situation.

EXPOSURE IS THE MOST POWERFUL TOOL

To justify, I am so thankful that I have achieved my dream at this age. And that dream is to work in an Advertising agency as a copywriter; being part of creating successful TV, Radio and Print commercials.

Though in my spare time, I do write and contribute articles to two leading tabloid newspapers in the country with its fearless, balanced news and views at some point. I also wrote for a Local Government Unit (LGU) newspaper somewhere in my hometown last year but the PDAF controversy has been blown up the people’s trust in the government and the said newspaper, which allegedly benefited from the funds.

Though everyone has been expecting that I earn a big salary from my high profile jobs, outspokenly, I don’t earn much from my regular job or in my sidelines as a writer-contributor. Honestly, I don’t really attach monetary values to my dreams.

All I can earn from that is the experience and the exposure from the industry where I am working at, which I couldn’t strive in college. The experiences to write and conceptualize plenty of ideas are the best part of my job as well. By doing this, I have to come up with worthy ideas to present to clients; know the brand positioning and understand the target market are just basics of the job.

I talk to different kinds of people, the Board of Directors from different companies, the Managers, often VP and the President. Not only was I able to improve my writing and oral but my ability to know what people need from me, what we can give and offer to them. To connote, I am happy to do these things. Money doesn’t matter, but the exposure is the most powerful tool in my life and I consider it as my achievement.

LIFE IS WHAT YOU MAKE IT TODAY

Time will come when we’re not as healthy as we were. Sometimes, we need to set aside our loatheness on something we do then plan to live a healthier life. We need to be more conscious in our health as well and avoid drinking and smoking to release anger or to be happy.

Many of us today at merely age of 27 are quietly serious to settle up their plan in life. At our age of 27 we need to mend everything and have the goal to invest and ensure our lives are in the right way at the right time, so we have lesser worries in the future.

THE SHORT TERM AND LONG TERM DECISIONS

Some of my classmates in elementary, high school and in college already have their own family. Some of them have their own businesses and they earn a lot of money, others work abroad. I am simply writing my heart out, and I love it.

The decisions you choose today will dictate your happiness someday. This is not about if we’re going to choose a short term or a long time decisions, the important thing here is you enjoy your life wherever it is at. Just hangout to life and be thankful to God and by at large, take big risks and be mature enough.

Although you’re not getting any younger you’re still far from being too old. Have enough time to travel as often as you can; you have a lot of opportunities than the older ones. Like the TV commercial said, ‘you can do more!”. You’re only 27, and by that age you have to consider everything you have and not neglecting yourself without any perceptible reasons. Only just by doing more! Coz life is too short, just go ahead and move to the top! Pals and Gals! This is not self-reliance either, this is all about accepting the fact that we’re now getting older but don’t worry about your age today, worry about what you can do to your life ahead before it’s too late.

SOMEHOW, BEING AMBITIOUS IS THE KEY TO ATTAIN YOUR GOAL IN LIFE

I dunno (don’t know) if am too ambitious in life but all I can say is, this is my life and I don’t want to waste my time with no sense at all. Being ambitious or being a dreamer is the key to attain my goal in life. And that goal is what I have today. I believe, if you’re too ambitious you can go anywhere and by that, you can reach everything you possess in life but never abuse it.

Finally, put GOD FIRST in your life before anything. To quote, Go On to your Dream, Fulfill It and Raise to Seek help and Thank God. /rbm

Photo from: Google

Published in Watchmen Daily Journal (021415)

STUPID IS FOREVER; Patok sa Madlang Pinoy

Muli na namang dinagsa ng mga enthusiast-readers ang bestseller book ni Senator Miriam Defensor Santiago na “Stupid is Forever” sa second meet and greet session nito na ginanap sa National Bookstore sa Glorietta 2 Ayala Makati City, Enero 22, 2015.

Animo’y blockbuster at Star-studded ang Senadora na patuloy ang pagtangkilik sa kaniyang akdang “Stupid is forever” na naglalaman at naglalarawan ng mga Jokes, Pick-up lines, one-liners, comebacks and speeches. Ang nasabing akda ay kinabibilangan ng pinakamahuhusay na illustrators na sina; Cj Silva-Ong, kilala bilang “Promil Kid”, Manix Abrera ng “Kiko Machine”, Elbert Or, Rob Cham at nang iba pang mga kabataang mangguguhit (illustrators).

Una itong itinampok noong Disyembre 3, 2014 sa National Bookstore sa Trinoma. At nitong nakaraang Enero 22, 2015 sa ganap na alas 2:00 hanggang alas 4:00 ng hapon ay talaga namang makikita ang pagdagsa ng mga book-lovers na tinatangkilik ang kakaibang sipa ng akda ni Sen. Santiago.

Sa inilabas na Press releases at nang management ng National Bookstore, mahigit 110,000 kopiya ang naibentang libro ni Sen. Santiago at patuloy na tinangkilik pa rin ito ng mga mambabasa at halos nilamangan ng “Stupid is forever” ang ilang bigating akda ng mga manunulat sa naturang pamilihan.

Kahit sa social media ay positibo ang netizens sa kanilang mga komento ukol sa nagtrending na #StupidisForever. Nagbabakasakali rin ang mga netizens na makakuha ng kopiya sa bawat bookstore na malapit sa kani-kanilang lugar. Nilinaw naman ng NBS na pwede namang makapag order through online ang mga netizens na nais makabili rin ng nasabing libro.

Dahil sa kakaibang karisma at pagpapatawa o ang natural na humor ni Sen. Santiago, kuhang-kuha nito ang kiliti at panlasa ng masang Pilipino. Ang kakaibang sipa ng mga hirit at jokes nang Senadora na madalas niyang gamitin din sa panimula ng kaniyang mga talumpati o speeches sa Senado, paaralan o unibersidad at sa mga seminars nito.

Sa huling panayam kay Santiago ng midya sa second launching ng meet and greet session sa Glorietta. Bakas sa mukha ng Senadora ang buong kagalakan sa ‘di magkandamayaw na pagtangkilik sa kaniyang bumabanat na akda. Tila nagkaroon ng panibagong kamulatan ang lahat, dahil sa kakaibang tirada ng Senadora laban sa katiwalian at pamamalakad sa gobyerno na tinututukan din ng bawat Pilipino.

Aniya, hindi rin maiaalis sa lahat ang pagtatanong kung tatakbo nga ba talaga siya sa 2016 Presidential Election sa kabila ng kaniyang karamdam na lung cancer. Sakabila nito, nananatiling pinaka-aktibong Senador si Miriam Defensor Santiago at sa kaniyang mga naipasang bills and resolutions lingid sa mga katunggali nito sa Senado.

Aniya, hindi niya nais na maging sobrang dramatic at palalimin ang usaping politika. Ang ipamukha sa lahat ang pagiging lion o tigre ng mga ito at sa kani-kanilang mapangahas na pananalita na tanging sila lamang ang nakakaunawa. Aniya ng Senadora, bakit ‘di natin daanin sa ngiti at simpleng pagpapatawa paminsan-minsan ang bawat usapin? Sapagkat, ang Pilipino ay mas sanay sa paminsan-minsang pag-joke dahil mas nauunawaan pa nga nang nakararaming Pilipino ang simpleng pagpapatawa o pickup lines na hindi maikukubli ang tinatawag na “humor” sa ilang senador.

PANAYAM SA MGA NAKADAUPANG-PALAD SA SECOND MEET & GREET SESSION SA GLORIETTA

Dahil sa siksikan ang mga taong pumipila upang makapag fan sign at makapag-selfie sa Senadora, may ilan kaming nakapanayam kung bakit nila tinatangkilik ang “Stupid is Forever”?

Kathlyn 28, employee. “I’m so happy and inspired with her book, so ridiculous and every single word is very catchy to our stupidity that it makes a sense at all. That’s why I invited my friend here to have this book and get a selfie with Madam Senator. Love it!”

Ynes 25, “Last year ko pa gusto bumili nito. Pero ngayon lang ulit nagka-stock, so i think malaking tulong para sa’kin ito. Lalo na management graduate ako at may additional speeches siya dito and so on. Malaking tulong ito na alam ko mag-eenjoy rin ako sa mga nakakatawang one-liners and pick up lines ni Senator Santiago.”

Bea 24, “I’m a call center agent and besides stressful talaga ang work ko. So naghahanap talaga ako ng book na maaaliw ako and at the same time makatutulong para sa’kin. Iba talaga kapag si Senator Miriam ang bumanat. Sana tumakbo sya next year for Presidential position.”

Grupo ng mga Estudyanteng Kolehiyo, “Hindi po talaga kami pumasok sa subject namin the whole day. Kahit na may exam kami okay lang dahil bilang student gusto naming makisimpatiya sa pagiging mahusay niyang Senator at sa pagsusulat niya. Minsan lang yung chance na makita namin siya ng personal, kaya walang panghihinayang.”

DON’T BE SO EXAGGERATED, BE COOL

Sabi nga sa lumang tagalog idiomatic expressions, “Magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising.” Wala itong ipinagkaiba sa pinupunto ng librong patok ngayon para sa lahat. Alam naman natin na ang pagbibiro sa kapwa lalo na ang pick-up lines ay dapat inilalagay sa maayos, nang hindi tayo nakakapanakit ng damdamin ng iba. Kaya ang katapat niyan, “ang pikon ay laging talo.” At bakit nga naman mapipikon sa simpleng jokes kung hindi naman totoo? Ika nga ni senadora, dapat cool ka Lang! ‘Wag exaggerated.

KAPAG MADALAS KANG NAKANGITI, NGINGITI RIN SA’YO ANG KAPALARAN

Ang pagtawa ay nakababawas ng stress na ating nararanasan sa araw-araw. Kahit na may karamdaman ka pa kung marunong kang ngumiti gagaling ka at tiyak matatamo mo ang iyong inaasam. Tandaan na ang pag-ngiti at pagiging positibo ay tulad din ng pagbubukas ng magagandang kapalaran sa buhay. Kaya naman humanap tayo ng mga bagay na magpapangiti sa atin tulad ng panonood ng nakakatawang palabas sa telebisyon o mga pelikulang nakakatawa, makipagbonding with your family or even with friends, o kaya naman magbasa ng mga nakakatawang libro tulad ng Stupid is forever.

ILAN SA MGA PATOK NA PICK UP LINES AT ONE-LINERS NI MADAM SENADORA

  1. Kung isa akong joke, gusto ko ‘yung mapipikon ka, para naman seryosphin mo ako.

2. Suicide. Homicide. Insecticide. Lahat na lang pamatay. Pero kung gusto mo ng pambuhay, i-try mo ang “by my side”.

3. Pulitiko ka ba? Ang ganda kasi ng mga mata mo. Corrupt nang corrupt.

    4. Password ka ba? Hindi kasi kita kayang kalimutan, pero kaya kitang palitan.

    5. Corrupt official: Miriam, kapag natapos ang term ko, iiyak ka ba? Miriam: Oo naman. Mapipigilan ko ba ang tears of joy?

      6. What is the difference between corruption in the U.S. and corruption in the Philippines? Answer: In the U.S. they go to jail. In the Philippines, they go to the U.S.

      7. Ang pag-ibig ko sa’yo ay parang LANGKA. LANGKAtapusan.

      8. Student: Ma’am, kamusta po ang grades ko? Professor: Aba, iha, kasing-ganda ng buhok mo! Parang bagong rebond. Bagsak na bagsak!9. Hindi lahat ng sweet ay loyal sa’yo. Tandaan, sweet nga ang candy, pero nakabalot naman sa plastic.

        10. Yes, I am intellectually arrogant. All intellectuals are entitled to be arrogant. That’s the only way they can educate the non-intellectual. Inggit lang sila. #rbm

        Ang Paglalakbay ng 3 Hari at ni Pope Francis

        Sa pagdiriwang ng papalapit na Feast of the Epiphany o ang pagdating ng tatlong haring naghandog sa sanggol na si Hesus sa sabsaban sa Bethlehem. Muling ipinapaalala sa lahat ng mga Kristiyanong mananampalataya ang kabutihang loob at pagbabahagi ng mga natatanggap nating biyaya mula sa Amang Mapagpala.

        Sa kasaysayan ng Bibliya, nagmula ang tatlong hari sa malayong lugar at ginabayan ng isang anghel. Kanilang sinundan ang isang nagniningning na tala sa kalangitan na siyang gabay patungo sa sangol na si Hesus na ipinanganak sa isang hamak na sabsaban sa Bethlehem. Nasaksihan nila ang pagsilang ng sanggol na siyang kinilalang tagapagligtas nang buong sangkatauhan.

        Kilala bilang Three Wise Men o Magi ang tatlong Hari na sina Gaspar, Melchor at Baltazar. Ang tinaguriang Three Kings ay may kani-kaniyang handog tulad ng ginto, insenso at mira. Pinagdiriwang natin ang Pista ng Epipaniyo tuwing ika-6 ng Enero, hudyat rin ito ng pagtatapos ng 12 Araw na kapaskuhan mula Disyembre 25 hanggang Enero 6.

        Bukod dito, pinaghahandaan din ng mga deboto ang Pista ng Itim na Nazareno o ang Nuestro Padre Hesus Nazareno sa Quiapo Maynila. Mababasa sa kasaysayan na ito ay dinala noong 1800 ng Ordenong Recoletos at itinampok sa simbahang nakaharap sa taniyag na Plaza Miranda.Marami na ring pinagdaanang giyera, sunog at lindol ang nasabing imahen ni Hesus mula sa ibang bansa hangang sa ito’y ating kupkupin. Sa pagdiriwang ng kapistahan ng itim na Nazareno sa biyernes Enero 9, inaasahan ang pagdagsa ng lahat sa paglilibot ng replika ni Hesus sa ilang pangunahing lansangan sa Maynila.

        Marami na ring pinagdaanang giyera, sunog at lindol ang nasabing imahen ni Hesus mula sa ibang bansa hangang sa ito’y ating kupkupin. Sa pagdiriwang ng kapistahan ng itim na Nazareno sa biyernes Enero 9, inaasahan ang pagdagsa ng lahat sa paglilibot ng replika ni Hesus sa ilang pangunahing lansangan sa Maynila.

        Tulad ng pagdating ng tatlong hari, at ang paghihintay sa Pista ng Itim na Nazareno, inaasahan din nating lahat ang papalapit na pagdating ng ating pinakamamahal na Papa Francisco. Inaasahan nating tayo’y magiging mapalad sa pamamagitan ng kaniyang butihing presensya at panalangin sa sangkatauhan. Karamihan sa atin ay umaasa na mahawakan ang kaniyang mga kamay, makuhanan ng litrato na siyang ipagbabawal naman ng mga mamamalakad sa malaking pagtitipon ng Simbahang Katolika ngayong taon.

        Ang Papal ay may pinakamataas na posisyon sa Simbahang katolika, at isa sa pinakamahirap nilang gampanin ay mapagbuklod ang bawat bansang kanilang binibisita na ‘di alintana ang panganib na nakaamba.

        Ang Papal ay may pinakamataas na posisyon sa Simbahang katolika, at isa sa pinakamahirap nilang gampanin ay mapagbuklod ang bawat bansang kanilang binibisita na ‘di alintana ang panganib na nakaamba.

        Kung ating bibigyang importansiya ang tunay na pakahulugan nito, masasalamin natin ang tunay na halaga ng kanilang paglalakbay na magpapalapit sa ating paniniwala at pakikiisa. Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang paglalakbay na tinatahak. Tulad ng tatlong haring naglakbay sa malayong lugar, ang paglakbay ni Papa Francisco sa buong mundo at maging ang replika o imahen ng Itim na Nazareno ay naglakbay din upang tuparin ang ipinangako ng Diyos na ang lahat ay dapat magbuklod sa iisang diwa, paniniwala at panalangin. Magkakaiba man ang prinsipiyo at paniniwala, mangingibabaw pa rin ang paglalakbay nating lahat sa pag-akay sa mga nangangailangan.

        Magkakaiba man ang prinsipiyo at paniniwala, mangingibabaw pa rin ang paglalakbay nating lahat sa pag-akay sa mga nangangailangan.

        Nawa’y tayo ay makiisa sa malawakang pagpapastol ng ating Papa Francisco sa makabago at modernong panahon. Kaya nais naming kayo’y batiin ng isang mapagpalang pagpapastol ngayong bagong taon! /rbm