LED Safety Tips para Iwas Akyat-Bahay Ngayong ‘BER Months

Sa panahon ngayon ng modernisasyon at teknolohiya ay mas nagiging abala tayo sa ating pamumuhay at higit sa lahat nakaliligtaan natin ang seguridad sa loob at labas ng ating mga tahanan.

Dahil ‘BER months na at tag-ulan pa, panigurado marami na namang masasamang-loob ang sasalisi sa ating mga tahanan at mga akyat-bahay na nagmamasid sa labas ng ating mga bakuran. Bukod sa pagpapakabit ng mga CCTV sa loob at labas ng ating mga tahanan ay isa rin sa nagiging dahilan ng mga nakawan ay ang kawalan ng ilaw sa labas ng ating mga bakuran at umaasa lang tayo sa magdamagang liwanag ng buwan.

Habang tayo ay wala sa ating mga tahanan, mainam na may sapat na liwanag ang ating mga bakuran kung tayo ay gagamit ng mga produktong nakakatipid ng kuryente gaya ng mga LED lighting.

Kaya naman, narito ang ilang LED Safety tips kung paano nating maprotektahan ang ating mga tahanan sa paggamit ng LED Lights.

ENERSAVE LED SOLAR WALL LIGHTS

Maraming klase ng LED lights na maari nating mabili ng mas mura sa merkado ngunit hindi tayo nakasisiguradong safe nga ba itong gamitin? Isa sa mga maasahang produktong LED lighting na pwedeng pang-indoor at outdoor na nagbibigay seguridad at proteksyon sa ating mga tahanan lalung-lalo na sa ating mga bakuran ay ang ENERSAVE LED SOLAR WALL LIGHTS.

MOTION SENSOR FEATURE

Ang ENERSAVE LED Solar Wall lights ay may kakayahang ma-detect ang ating motion o paggalaw higit apat (4) na metro dahil sa Motion sensor’ feature nito habang tayo ay wala o tulog sa panahong maulan at abala sa ating buhay. Hindi na kailangan pang i-charge sa kuryente dahil ito ay solar power ready, meron itong dalawang (2) Sensors Mode; Light Sensor at Sensitive Motion Sensor, water proof protected at adjustable din ang liwanag nito. Kapag na-detect ang motion o galaw ng isang tao lalo na ang mga masasamang-loob ay hindi na maisasagawa pa ang kanilang mga plano sapagkat makakaramdam sila ng takot at pagkabigla kapag sila’y natutukan ng liwanag nito at aakalain nilang may tao sa kanilang paligid. Ang LED Solar Wall lights ay pwede ring gamitin sa Paaralan, Garden, Park, Building and Commercial spaces at sa inyong garahe at iba pang outdoor areas.

ENERSAVE IS DESIGN TO PROTECT YOUR PROPERTY

Kung naghahanap ka ng LED lighting product na magbibigay proteksyon sa inyong mga property, piliin mo ang ENERSAVE LED Solar Wall Lights at hindi lang basta kilalang produkto dapat de kalidad, nakatitipid sa pagkonsumo ng kuryente, maasahan, at hindi nakakaabala sa inyong produktibo. Dapat seguridad garantisado sa pagbili, pagpili at paggamit ng LED Solar Wall lights sa ating mga tahanan.

LIGHT EMITTING DIODE (LED)

Ang Light Emitting Diode (LED) ay may malaking pakinabang sa ating mundo at pamumuhay sapagkat nakatutulong ito na makabawas sa pagkonsumo ng ating elektrisidad. Ang mga LED lighting ay binubo sa luminaire housing sa pamamagitan ng isang adaptor upang makapag convert ng enerhiya at hindi na kailangan pang mag-install ng reflector upang limitahan ang liwanag nito. Mas mataas ang intensity light output ng LED para makatipid ng kuryente kumpara sa fluorescent lamp at karaniwang bumbilya. Ang katawan ng LED ay gawa sa polycarbonate glass, kompletong hanay na may control panel at sensor ng paggalaw, ang light transmission index ay maihahambing sa natural na liwanag ng araw, friendly environment lamp, at hindi rin gumagawa ng mercury vapors.

IBA PANG ENERSAVE LED LIGHTING PRODUCTS

May iba’t ibang klaseng LED lighting ang Enersave na maaring mong pagpilian. Ilan dito ay ang;

– EnerSave LED bulb with IONIZER 7 watts
– Solar Lanterns
– Solar Street lights
– Solar Wall Light Outdoor Waterproof – 20 LED PIR Motion
– 30 LED Solar Lights Outdoor Lighting Waterproof
– New Super Bright Solar Light 48 LED Portable Solar
– Solar Wall Light 20 LED Outdoor Waterproof.

Kung usapang pagtitipid at pagbibigay seguridad na hindi malooban pa ang ating mga tahanan mainam na ating gamitin ang EnerSave Solar Wall Lights na produkto ng Wishgate.

Mabibili ang EnerSave LED products sa Lazada at Shoppee online. Bisitahin ang kanilang online shopping sa link na ito;

https://www.lazada.com.ph/enersave

https://www.google.com/amp/s/shopee.ph/amp/EnerSave-3M-3-Mode-Solar-Powered-Wall-Light-i.22413143.1452856522

Roaring Now: T-Rex Copywriting Services

Hey! Have you heard about T-rex Copywriting Services? If not, then I will REVEAL a secret to you.

So why T-rex Copywriting? T-rex Copywriting is Responsible for Creating – Brainstorming – Transforming and Layout design concept

It all started with my name itself so RCCS stands for Rex Copywriting & Concept Services. Yet, to make my own copywriting services easily recognizable to my readers, clients and direct audiences I went for an extreme rebrand.

So here it is! T-rex Copywriting which is from the name itself Tyrannosaurus Rex the king of all Dinosaurs. T.rex is also one of the most popular of all dinosaurs that was featured in several movies and video games.

Since rebranding my copywriting page, I strategically created my own version and identity to have an official mascot for my copywriting services and this is the T-rex image. What was T-rex’s like? According to study, the Tyrannosaurus Rex was one of the largest carnivorous dinosaur and a powerfully built predator. Tyrannosaurus Rex had a sharp sense of smell and vision perception. So thats why I used this as my official logo/image for my copywriting services.

T-Rex Copywriting is really very aggressive, sharp, empowered, dedicated with a sense of action to handle versatile responsibilities and measures that will leave a huge impact and recall to your direct audiences. My original and official tagline: “Empowering Your Brand with Powerful Copy“.

T-rex Copywriting specializes in copy slogan/tagline for print, feature article, AVP storyboard, and other copywriting services correlated. I will help you to hunt your target market by all means of applying my RCTBL expertise. Now I can say that from the prefix of my name comes a powerful copywriting brand. So let’s get ready to boom and groom your brand!

#TrexCopywritingServices #OfficialMascot #OfficialLogo #RCBTLconcept #EmpoweringYourBrandWithPowerfulCopy #BuildingBusiness #GeneratesLEADS #SocialMediaManagement

Dengue Alert!

Patuloy ang pagdagsa ng ating mga kababayang apektado ng dengue outbreak sa bansa lalo pa na ngayong panahon ng tag-ulan.

Matapos na magdeklara nitong Hulyo ang Department of Health (DOH) ng national dengue alert dahil sa mabilis na pagtaas ng bilang ng kaso ng nasabing sakit sa bansa.

Nakapagtala ang DOH ng mahigit sa 180,000 kaso ng dengue sa buong bansa mula Enero 1 hanggang Hunyo 29. Masmataas sa 85% porsiyento kumpara sa nakaraang taon.

Naitala ang pinakamaraming kaso ng pagkakasakit at pagkamatay ng ilan nating mga kababayan sa Western Visayas, Central Visayas, Soccsksagen at Northern Mindanao. Kabilang sa mga rehiyon na lumampas sa “epidemic threshold” ang Mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, at Northern Mindanao. Mahigpit din binabantayan ang ilang mga kalapit probinsya kabilang din ang Ilocos region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol region, Zamboanga Peninsula, Davao, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Cordillera region.

Kaya naman, ang Embahadang Tsino sa Pilipinas ay inabisuhan na mag-ingat sa epidemiko ng dengue sa Pilipinas alinsunod sa naitalang kaso ng mahigit 100 Tsino diumano’y nag-positibo sa dengue.

Kaya sa mga nakararanas ng pabalik-balik na lagnat, matinding pananakit ng ulo, pananakit ng mga kalamnan, pagkahilo, pagsusuka, at pamamantal sa balat ay mainam na magpakonsulta na sa inyong mga doctor. Kapag bumaba ang Platelet count o kung bumaba ang red blood cells at tumaas ang white blood cells ay maaring infected ka na ng dengue.

Kumusta ang inyong lugar? May dengue cases din ba sa inyo? Kung meron kayong nakitaan ng ganitong sintomas ay marapat lamang na sila ay ating tulungan upang mabigyan ng karampatang paunang lunas. Mangyaring mag-comment din sa baba kung may ganitong kaganapan sa inyong lugar upang ating mabigyang tugon ang kanilang mga pangangailangan sa tulong ng social media at ng inyong pakiisa. #DengueOutbreak #EpidemicThreshold #RBMHinuhaAtBalita #RBMBalita #DOH #SaveLife #SavePH

Kalayo: Tradisyunal na Padasal ng mga Waray

“Kalayo” isa sa mga salitang Waray na ang ibigsabibin ay “Apoy“.

Tinuturing na isa ito sa mga ritwal o tradisyonal na pagdarasal o padasal ng mga Waray sa pamamagitan ng paggamit ng bao na may buhangin at uling habang nagpapa-ningas ng apoy. “Apoy-Apoy” kung tawagin din ito sa mga matatandang Waray.

Kapag ito ay mag-alab na at magbaga saka naman sasabuyan ito ng insenso para mangapal ang usok na siyang magsisilbing tawiran sa pagtawag ng mga kaluluwa ng mga kamag-anak na matagal ng namayapa. Ang tradisyong ito ay pagbibigay respeto upang alalahanin ang mga namayapang kamag-anak o mahal sa buhay.

Hindi rin ito nalalayo sa tinatawag nating lamay, daraw (sa kabisayaan) at nagtataguminatayan.

Aniya, nakatutulong diumano ito sa mga may sakit sa bawat miyembro ng pamilya. Sapagkat, pinaniniwalaan kasi ng mga matatandang Waray na kapag laganap ang mga sakit sa loob ng tahanan at hindi pagkakasundo ng mag-anak ay tila baga nakakalimutan na rin ang pag-alala sa mga mahal sa buhay na may malaking naging tungkulin sa kanilang angkan.

Karaniwang nag-aalay din ng mga pagkaing nakalagay sa malaking bilao. Sa pag-aalay ay makikita sa bilao ang inihaw na isda o kaya native na manok, kaning may katas ng luyang dilaw, mga candy at sigarilyong iaalay, at ang tinatawag nilang ‘nganga’ at alak. Habang ang lahat ay nakapalibot sa magdadasal at nakikiisa sa ritwal.

Naaalala ko noong ako’y musmos pa lamang sa tuwing may padasal sa aming tahanan. Sinisimulan ito ng aming pinakamamahal na lolo. Kapag hinawakan na niya ang bao na may baga at insenso ibigsabihin, hudyat iyon na kami ay dapat ng tumahimik ng ilang minuto para makinig sa panalangin at ritwal.

Habang isinasagawa ang padasal, iikot ng tatlong beses ang tatlong basong may laman na alak sa mga nakatatandang namumuno nito. Saka naman iikot sa lahat ang bao na may uling at insenso para sa mga kahilingan ng mga kamag-anak na mapabuti ang bawat isa. Matapos ang ilang minutong panalangin ay sabay-sabay ng pagsasaluhan ang mga inihain para sa mga bisita at magtatabi naman ng kaunting pagkain para sa mga kaluluwa.

Kahit maraming taon na ang nakalipas ay pinagpapatuloy pa rin ng aming pamilya ang pagdarasal sa mga kamag-anak namin at ang aming mga kapatid na matagal ng namayapa.

Maituturing ito na napakasayang pagtitipon-tipon ng magkakamag-anak. Dahil sa nakapaglaan ang bawat pamilya ng oras upang mag-alay ng dasal at sabay-sabay na pagsasaluhan ang pinaghandaan.

Bukod dito, isa rin sa masasayang pagtitipon-tipon ng mga Waray ay ang pagsayaw ng kanilang sikat na sayawin, ang kuracha tuwing may pyesta. Kanila ring ikinabubuhay ay ang pangigisda, pagbubukid at pagta-tabaco. Batid natin na ang Samar region ay daanan din ng malalakas na bagyo sa bansa.

Marahil ay kakaiba ito para sa mga hindi katoliko at ibang kulturang nakasanayan. Isa lamang ito sa napakaraming tradisyunal na pagdarasal ng ating mga kababayan sa kabisayaan. Ito ay magandang pamamaraan ng mga Waray para sa kanilang pagbabalik-tanaw sa kinaugalian na hindi kailanman mawawala sa kanilang kulturang nakasanayan. Kaya mapalad ako dahil may lahing Waray ako. Ikaw, ano’ng tradisyunal na ritwal sa inyong pamilya ang patuloy ninyong ginagawa at pinagsasaluhan? Share mo naman ‘yan dito, kaMilenyo!

Immune System Palakasin Ngayong Flu Season

Umaatake na naman ang iba’t ibang uri ng sakit sa ating paligid. Gaya ng simpleng ubo, sipon, lagnat at pananakit ng lalamunan.

Kadalasan nagsisimula ang ating pagkakasakit sa simpleng pagbahing o ‘sneezing‘ na maaring maipasa ang virus sa taong kausap o kaharap natin. Kapag ito’y naipasa sa iba panigurado may kasunod na ‘yan. Sisipunin ka na at uubuhin saka naman aatake ang lagnat (‘wag naman).

Ano nga ba ang mga dahilan kung bakit tayo o karamihan sa atin ay madalas nakararanas ng simpleng ubo at sipon?

MAHINANG RESISTENSYA. Lumalabas ang sintomas ng ating pagkakasakit kapag ang ating immune system ay mahina. At dahil sa mababa o mahina ang ating resistensya ay mabilis na kakalat at magtatagal ang virus sa loob ng ating katawan kapag ito ay hindi maagapan.

Ayon sa pagaaral ng mga eksperto sa family medicine, ang simpleng ubo at sipon ay maaring tumagal ng 7 hanggang 10 araw. Ngunit kapag ito ay tumagal ng mahigit 2 o 3 linggo ay maaring inffected ka na ng flu o virus. Hindi biro ang pabalik-balik na pag-ubo at sobrang kapit ng plema na siyang nagiging dahilan kung bakit ka hirap huminga.

SINTOMAS NG WEAK IMMUNE SYSTEM. Kapag weak o mahina ang ating immune system ay agad kakapit ang virus sa ating katawan na maaring makasira ng ating immune system. Ilan sa mga posibleng sintomas nito ay ang;

*Pamamaga ng internal organs natin ‘inflammation of internal organs

*Anemia o ‘blood disorders or abnormalities’

*Digestive issues gaya ng pagkawalang ganang kumain ‘loss of appetite’, diarrhea, and abdominal cramping.

Mga Paraan Upang Makaiwas sa Flu.

Fluid is Life. Maraming mga paraan para labanan ang Flu o lagnat. Higit na epektibo ay ang pag inom ng 8 – 10 basong tubig kada araw. Dahil prone tayo sa iba’t ibang viruses sa paligid, dapat tayo ay umiinom ng tubig ng madalas. Alkaline base dapat at hindi tap water.

Take Vitamins Daily. Palakasin ang immune system sa pagte-take ng vitamins na mayaman sa mineral, potassium at magnesium upang mapalakasan ang resistensya.

Organic Herbal can cure Illnesses. Kung walang kakayahang bumili ng mga vitamins sa botika may mga alternatibong pamamaraan naman. Gaya ng pagdikdik ng oregano, at lagyan ito ng katas ng kalamansi sabay inom. Pwede ring magpakulo ng tanlad, luya at dahon ng lagundi na maaring gawing inumin basta palamigin lamang ito. Nakakatulong ang mga organic herbal sa ating katawan upang maiwasan ang anumang uri ng sakit sa paligid tulad ng ubo at sipon.

Ugaliing kumain ng Prutas. Ang prutas ay may taglay na kakayahang magpaganda ng ating mga kutis at sa ating kalusugan. Ang pagkain ng prutas ay nakatutulong din sa ating digestive system upang mapaganda nito ang ating panunaw at mailabas ang mga toxic sa ating katawan. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang mahal ng prutas sa merkado? Dahil sa kahit anumang aspeto ng negosyong may kinalaman sa gulay at prutas ito rin ang nagiging pangunahing sangkap nila. Kaya kung ikaw ay may ubo, sipon at makapit na plema mainam na kumain ng mga prutas tulad ng lemon, bayabas at dalandan. Isama pa natin dito ang mansanas, guyabano at mangosteen. Para 100% Immunized tayo!

KUMONSULTA SA DOCTOR. Kung ang simpleng ubo, sipon at plema ay hindi naaalis sa iyong katawan ay mainam na magpa-konsulta na sa iyong attending Physician. Baka kailangan mo ng mag antibiotic at mapatay ang virus sa loob ng iyong katawan na siyang sumisira ng iyong immune system. Ito’y simpleng paalala lamang na kapag iyong pinabayaan ay tiyak! Ikaw din ang mahihirapan. /DM

photo credit: google / EverydayHealth/ bbc

“Dream Walker”

Ni Lheins LoyolaGabi na naman muli ko na naman ba masisilayan Ang iyong mukha?
Muli mo na naman bang hahawakan Ang aking mga kamay?
Habang nag lalakad sa dalampasigan
At tanging Ang iyong ngiti Ang aking nasisilayan…

Kasabay Ng ilaw Ng mga kandilang naka palibot sa atin
Kasama Ng ihip Ng hanging na humahalik sa akin
Hindi ko Alam ano ba itong nararamdaman
Hindi Kita kilala..pero pag kasama ka’y Ang gaan sa pakiramdam…

Alon Ng tubig Ang tanging Kong naririnig
Tila inaagos na ako Ng mahiwaga mong katauhan
Sabi mo hayaan ka Lang dahil malinis Ang iyong intensyon
Gusto mo Lang makasama Ang babaeng iyong napupusuan

At ito Lang Ang tanging paraan kaya binubuhos mo Ang lahat
Mahirap man pero iyong kinakaya
Maipabatid lang Ang iyong nararamdaman
Kahit sa kabila Ng lahat ay walang kasiguraduhan…

Bukas pag gising ko Hindi ikaw Ang aking katabi
At Hindi mo na hawak Ang aking kamay
Pero Ang hiwaga na aking naramdaman
Ay Hindi mawaglit sa aking isipan

Palagi na Lang ba ganito?
Kasama ka sa Gabi at wala ka na sa umaga
Ano ba Ang iyong pakay?
At tila sa iyo ay Hindi na makawala

Pilit kinukumbinsi Ang sarili na Hindi ka totoo
pero sa pag pikit Ng mata ikaw na Ang nakikita
At sa pag dilat man ay Wala ka na sa paningin
Pero Ang mukha mo ay nakatatak sa aking isipan…

Sana ngayong Gabi pag bigyan Ang aking kahilingan
Tigilan Ang majika Kung sakaling ako ay iyong ginagamitan
Dahil Hindi Biro Ang Gabi Gabi Kong nararanasan…
Sa matamis mong bisig na tila maka totohanan

-Dreamwalker-
7.11.18
-MotherConqueror-
Photocredit: google

“Bidyo Pornograpiko”

BIDYO PORNOGRAPIKO (SPG)
Isinulat ni Ro Nald

Uyy may bago akong bidyong magugustuhan niyo,
Nakuha ko sa isang website ng mga porno.
Grabe ang ganda ng bidyong lumabas na’to.
Kalat ngayon sa iba’t-ibang site ng porno.

Gusto mo bang ipasa sa iyong selepono?
Ang bidyung aking nahuhumalingang porno,
Dahil kakaiba ang dala ng aking pagkagusto.
Mula sa bidyung kumakalat sa site ng porno

Ang sarap panoorin ang kanilang pagtatalik.
Makikita mo ang tindi ng kanilang pagkasabik,
Kaya ang aking mga mata ay sobrang nanlilisik,
Sa mga bida ng bidyong porno na nagtatalik.

Ang katawan ko tuloy ay sobra ding nag-iinit,
Kaya aking pagnanasa ay lalong umiinit,
Gusto ko tuloy ilabas ang namumuong init.
Sarili man o sa katalik ay kailangan magpainit.

Kahit alam kong makasalanan ang aking pagnanasa.
Pagnasaan at isiping ako ang siyang kumakama,
Mula sa bidyung aking pinapanood at kanyang kasama,
Kaya may bagay na tila nabubuhay sa aking ibaba.

Huwag din ako sanang sumbatan ng karamihan.
Sa panood ko ng mga pornograpikong palaban.
Dahil sinasabi ko lang ang buong katotohanan.
Mula sa pagkataong iba ang kinahuhumalingan.

Kesa sa mga taong nagkukunyaring hindi kinahiligan.
Sa mga taong kunyare ay hindi nanood ng kalaswaan,
Dahil sila ang mga taong puno ng kasinungalingan,
Mula sa kanilang itinatagong mga kalibugan.

#TagMoNaYanKungSino?

[credit:photo]

Tips para makaiwas sa mga Networking Scheme

Ni Rex Molines

Nitong nakaraang linggo ay muli na namang naging usapin ang diumanong illegal networking scheme sa ating bansa at ang apektado rin nito ay ang ilan nating mga kababayang OFWs. Sa mga pagkakataong ito ay dapat tayong manigurado sa ating mga nais gawin kung paano nga ba tayo makakaahon sa kahirapan na walang inaagrabiyadong tao o indibidwal. Paano nga ba natin malalaman kung tayo ba ay nabiktima na ng mga illegal networking o pyramiding scheme na nag-aalok sa atin ng instant o easy money? Narito ang ilan sa mga tips na iligal ang networking company na iyong kinabibilangan;

Una, alamin kung may sariling opisina ba ang networking na nag-aalok sa iyo ng mapagkakakitaan at kung saan ang eksaktong business address nila? Alamin din kung sila ba ay rehistrado sa Security and Exchange Commission o (SEC). Maari ninyo naman ma-trace sila (illegal networking) sa pagbisita sa official website ng SEC at doon ay makikita niyo kung sila ba ay registered o kung hindi ka pa rin kontento ay magsadya sa SEC office mismo. Pero hindi lahat ng networking company na naka rehistro sa SEC ay masasabing legal na nag-ooperate. Mababatid pa rin yan sa status ng isang networking kung may mga matatanggap silang reklamo against illegal networking.

Pangalawa, kung ikaw ay naengganyo ng networking scheme na ito at handa ka ng mag pay-in para sa pag-asenso na iyong hinahangad sa buhay ay mangyaring huwag gagawa ng anumang transaksiyon sa labas na may kinalaman sa pera. Mainam na gawin ito sa loob ng kanilang opisina at humingi ng official receipt na nakadetalye roon ang kanilang office address, TIN, at iba pang impormasyon na magpapatunay na sila ay ligal.

Pangatlo, alamin kung ano nga ba ang pinopromote ng networking business o multi-level-marketing (MLM) na ito? Anong business model ang meron sila. Dapat nating mabatid kung ano ba ang focus ng business nila? Anong mga produkto ang maari mong maibenta? O kung hindi man tungkol sa pagbebenta ay kung ano ang layunin ng networking na ito? Magparami lang ba ng member o magpalaganap ng magagandang produktong makakatulong sa kalusugan at hanap-buhay ng tao? Mababatid mo na kung ang focus ng kanilang serbisyo ay pagrerecruit ng tao ay iligal yan. Mag-isip-isip ka na kaibigan. Pero kung may produktong iniaalok at ito ay para sa kalusugan ng tao at hindi puro synthetic products ay may maganda itong patutunguhan. Yung tipong walang kota (quota) na hinihingi, walang required amount ng inyong pagsali o walang membership fee. At hindi kitaan lang ang pag-uusapan kundi kung paano ba makakapag build up ng rapport between your customers and the product itself at hindi fly by night business.

Pang-apat, kung pinangakuan ka ng kikita ka sa kanila ng 30%-40% monthly, aba! Mapapaisip ka nga naman dito. Sa totoo lang, walang negosyante ang magbibigay ng ganiyang kalaking Return on Investment sa bawat indibidwal buwan-buwan. Isang kalokohan iyan at nagpapatunay lamang na ito ay iligal. Tandaan mo, huwag kang maniniwala na kaya ka nilang bigyan ng result in just a month, ito ay isang uri ng swindling o estafa na maaring maparusahan ang sinuman na lalabag sa ating batas. Ibigsabihin nito ay pera-pera lang ang habol nila sa inyo at hindi pag-asenso mo. Kaya laging tatandaan na, Walang manloloko kung walang nagpapaloko.

Published thru: Diyaryo Pinoy

Mandatory ROTC Bill sa Senior High, Pinamamadali na ni Pangulong Duterte

Ni: Rex B. Molines

Pinamamadali na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado ang pagsasabatas ng panukalang gawing mandatory ang Reserve Officers Training Corps o ROTC sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa.

Matatandaang nagpadala ng liham si Pangulong Duterte kay Senate President Tito Sotto nitong nakaraang lingo na nagsasaad na kaniya ng sinisertepikahan ang urgent bill o ang Senate Bill number 2232.

Ayon sa liham ng Pangulo, marapat lamang na ibalik sa mga paaralan ang basic mandatory military leadership training program upang mabuhay at mapaigting ang pagiging makabayan ng mga kabataan.

Samantala, suportado naman ng Philippine National Police na buhayin muli ang mandatory ROTC training program para sa Grade 11 at 12 senior high school. “We fully support the ROTC 100 percent. We need that. We are very small country. Of course, many are saying we are under threat so we might as well, let’s train our youth here.” Aniya ni PNP Chief, Gen. Oscar Albayalde sa katatapos lamang na comment ground breaking ceremony sa National Capital Region Police Office (NCRPO) medical center sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Pinagbotohan naman ng House of Representatives na may bilang 167-4-0 na pumapabor sa pagsulong ng nasabing programa matapos itong maipasa sa third and final reading ng House Bill 8961 nitong nakaraang buwan. Kalakip ng House Bill 8961 ang Republic Act 7077 o ang Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act bilang ‘Citizen Soldiers’ noong Hunyo 27, 1991. Ang House Bill 8961 ay naglalayong i-ban ang hazing at iba pang uri ng mga karahasan o maling aktibidad sa mga paaralan na may kinalaman sa physical at mental abuse sa ating mga mag-aaral.

Ang mandatory ROTC training ay para sa mga estudyante mula Grades 11 at 12 Senior High School na dapat lamang na kumuha ng nasabing programa sapagkat bahagi ito ng kanilang requirement sa pagtatapos sa paaralan.

Bukod dito, meron din namang mga exempted na mag-aaral; ang mga estudyante na mayroong problemang physical at psychologically unfit; ang mga varsity players na piniling ilaban ng paaralan sa iba’t ibang larangang pang sports; at ang mga estudyanteng merong valid reasons na hindi maaring mag undergo ng ROTC training na dapat aprubado ng Department of National Defense at ayon na rin sa rekomendasyon ng paaralan kung saan naka-enrol ang bawat mag-aaral. Pinaaalalahanan naman ang lahat ng mga magulang na ang ROTC training program ay hindi para gamiting “political” objective o ano pa mang walang kaugnayan sa tunay na layunin ng nasabing programa.

Matatandaang taong 2002 nang gawing optional at voluntary ang ROTC, alinsunod sa National Service Training Program Act (NSTP). Ito’y matapos na magkaroon ng imbestigasyon na umusbong sa University of Santo Tomas na isang studyante ang pinatay matapos nitong isiwalat na may corruption na nagaganap sa nasabing programa. Ang ROTC training program ay para lamang sa mga college students noon na siya namang isinusulong para sa mga senior high school students ngayon. /rbm

*photo credit to: google

Pairalin: Wastong Pagwagayway ng Ating Bandila

Ni: Rex B. Molines

Nagsimula na ang 15-day National Flag Days o ang 15 Araw ng pagwagayway-pagsabit ng ating Pambasang watawat sa ating paligid bilang paghahanda sa Araw ng Kalayaan (Hunyo 12, 2019).

Base na rin sa Republic Act 8491 o ang “Flag and Heraldic Code of the Philippines” at House bill 5224 na aprubado ng Kongreso. Hinihikayat din ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na makiisa ang buong sangay ng gobyerno, mga negosyante, institusyon, paaralan, at bawat tahanan na magsabit ng ating Pambansang watawat sa ating mga nasasakupan.

Ano nga ba ang 15-Day Flag Day Period?

Ang 15-Day Flag Day period ay idineklara batay na rin sa Executive Order 179 na inilahad ni dating Pangulong Fidel V. Ramos. Ito ay ang pagkilala o pagtanaw sa ating Pambansang watawat na pinaghahandaan natin mula Mayo 28 hanggang sa Araw ng ating Kasarinlan (Hunyo 12) o Independence day. Mababatid sa kasaysayan kung saan naganap ang rebolusyonaryo o ang pakikipaglaban ni Heneral Emilio F. Aguinaldo sa Alapan bayan ng Imus sa Cavite laban sa Espanya noong Mayo 28, 1898 at hanggang sa matagumpay na iprinoklama ang Araw ng ating Kalayaan noong Hunyo 12, 1898. Ang selebrasyong ito ay isinagawa sa distrikto ng Imus sa Cavite nitong nakaraang Mayo 28, 2019.

Kaunting Kaalaman:

Ang ating Pambansang watawat ay masikap na hinukapan ni Marcela Agoncillo sa Hong Kong, katuwang ang kaniyang anak na si Lorenza at si Delfina Herbosa de Natividad pinsan ni Gat Jose Rizal. Ang Watawat ay simbulo ng ating pagka Pilipino, may pagkakaisa at pagiging ganap na Malaya sa kasarinlan na ating natamasa buhat ng tayo ay sakupin ng mga dayuhang banyaga.

Marami na ang naging bersyon o disenyo ng ating bandila. 1998 nang maisabatas ang kasalukuyang disensyo ng ating watawat na may kulay dilaw, bughaw, at pula, tatlong bituin, at araw na may walong sinag na sumisimbulo sa walong mga lalawigan ng Pilipinas noong 1896 laban sa Espanya. Ito ay ang; Maynila, Batangas, Laguna, Cavite, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, at Pampanga.

Wastong Pagwagayway, Pagsabit ng ating Pambasang Watawat:

May dalawang uri ng pagposisyon sa ating Watawat, ang; TIME OF PEACE at TIME OF WAR. Kung patayo o vertical position ang pagsabit ng watawat ay marapat lamang na ang nasa itaas ay ang dilaw na kulay o makikita sa tuktok nito ang araw at ang tatlong bituin habang nakaharap sa kanang bahagi ang kulay asul na banda (Time of Peace) takda ito n gating kasarinan at nasa kaliwa naman ang kulay pula na banda na siyang nagtatakda ng digmaan o giyera na ating kinaharap noon. Kung ito ay isasabit sa flag pole, mahigpit na pinakaiingatang huwag sumayad ang tela ng ating watawat sa lupa o mabasa ito ng tubig. Kapag ito ay lumuma na o mangupas yaring kulay, walang kahit na sino ang pwedeng maglaro nito bagkus ito ay sinusunog ng may abiso at hindi basta-basta lamang. Mahigpit ding ipinagbabawal na gamitin itong pang-dekorasyon sa loob ng bahay o pang-costume sa ano pa mang uri ng kompetisyon, paggawa ng mga sticker pang sasakyan o sa ating mga kasuotan gamit ang imahe ng bandila, at lalung-lalo na sa pagba-bandalismo (vandalism) ng ating watawat. Iwinawagayway natin ang ating bandila ng sabay-sabay sa umaga at sa araw ng ating kasarinlan buhat ng ito ay pinasinayangan sa lugar ng mga matatapang at may paninindigan; ang Cavite.

RESPETO SA BANDILA, PAIRALIN

Malaki ang ating gampanin o responsibilidad sa paggamit, pagwagayway, o pagsabit ng ating Pambansang watawat saan mang dako ng Pilipinas. Mahigpit na ipinagbabawal sa ating batas at ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa pagyurak o pagbalewala sa ating Pambansang watawat. Walang sinuman ang may karapatang lumabag sa pagrespeto sa ating bandila na siyang nagpamulat ng ating ganap at tunay na pagka Pilipino sa bansang ipinaglaban ng mga bayaning namuhay nang may pagmamahal sa bayan. Ituro nawa natin sa loob ng ating tahanan ang kahalagahan at tamang pagrespeto sa ating bandila. Sapagkat ang makikinabang nang ating iniingatang yaman ay ang mga kabataan sa makabagong panahon. Huwag lang natin basta isabit o idisplay ang bandila bagkus magkaroon tayo ng kusa upang alamin ang natatanging kasaysayan sa banda ng mga kulay, araw at bituin sa ating bandilang iwinawaygayway mula noon hanggang ngayon. Maligayang Araw ng Kasarinlan. Mabuhay ang Pilipinas! -DM

Larawan kuha ni Rex Molines. Mula sa Kahabaan ng Molino-Paliparan Road Dasmariñas City Cavite